Mga umano’y subersibong aklat na nilimbag at ipinakalat ng Komisyon ng Wikang Filipino, ipinarerebyu ni Chairman Arthur Casanova

Mga umano’y subersibong aklat na nilimbag at ipinakalat ng Komisyon ng Wikang Filipino, ipinarerebyu ni Chairman Arthur Casanova

PERSONAL na pumunta sa tanggapan ng SMNI Makati City ang chairman ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) na si Dr. Arthur Casanova upang iabot ang memorandum na ipinag-uutos ang pagpapa-review ng mga aklat na umano’y may subersibong nilalaman na nakalusot sa komisyon.

Biglaan nga lang ang pagdating ni Chairman Casanova sa SMNI studio, ito’y dahil na rin sa tugon na mabigyan ng kasagutan ang paglalathala ng mga librong rebolusyonaryo.

Sa inilabas na memorandum na nilagdaan ni Komisyon ng Wikang Filipino chair Dr. Arthur Casanova, ipinag-utos nito ang pagbuo ng Ad Hoc Review Committee na bubusisi sa mga sinasabing subersibong libro.

Ang bubuo sa naturang komite ay mga kinatawan mula sa NTF-ELCAC, mga manunulat, at kasalukuyang mga komisyoner ng KWF.

Ilan sa mga librong naglalaman ng mga sulating subersibo ay ang, Teatro Politika Dos ni Malou Jacob, ang pangalawa ay ang Kalatas: Mga Kwentong Bayan at Kwento Buhay ni Rommel B. Rodriguez, pangatlo ay ang Tawid Diwa sa Pananagisag sa Imahinatibong Yugto ng Batas Militar mula 1975-1979 ni Dexter Cayanes, May Hadlang ang Umaga ni Don Pasugara at Labas: Mga Palabas sa Labas ng Sentro ni Reuel Aguila.

Kung matatandaan, mariing kinondena ng Makabayan bloc ang nangyaring pagsisiwalat ng mga subersibong aklat sa programa ng SMNI na Laban Kasama ang Bayan, bagay na ikinagalit ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc na kilalang kaanib ng CPP-NPA-NDF.

Isa rin sa kumondena sa ginawang hakbang ng KWF sa pagpapahayag ng mga nakalusot na subersibong mga aklat ay ang Kilusang Mayo Uno (KMU) na isang underground mass organization na kilalang recruiter ng NPA sa sektor ng mga manggagawa.

Sa kabilang banda naman ay patuloy pa rin ang panghaharas na ginagawa ng makakaliwang grupo na nasa Kongreso, partikular na ang KAGAT o ang Kabataan, Gabriela at ACT Teachers Partylist na kilalang mga recuiter ng CPP-NPA-NDF.

Samantala, isang komisyoner mula sa KWF ang nagpaabot ng kanilang pagkabahala dahil sa patuloy na ginagawang pangha-harass ng makakaliwang grupo sa kanila.

Ayon sa text message na galing sa naturang komisyoner, matinding pananakot ang ginagawa ng nabanggit na grupo dahil sa pagpapatigil ng paglimbag ng rebolusyonaryo o subersibong mga aklat.

“Pero pagdating sa pangangalaga ng pangseguridad ng ating paaralan, ng ating edukasyon, at ng ating mga lathalain lalo na po sa kabataan ay talagang kapag ikaw ay manindigan sabi namin para ang ipalaganap natin ay tamang kaisipan, at tamang sulatin we will be by your side sino pa man ang mamumuno sa Komisyon ng Wikang Filipino,” ayon kay Ka Eric.

Nagpasalamat naman ang tagapangulo ng KWF na si Arthur Casanova sa chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy sa patas na pamamahayag.

“Nais ko pong kukunin ang pagkakataong ito na magpasalamat po sa inyo sa pagkakataong ibinigay sa akin upang ako po ay marinig at maipaliwanag ko ang aking panig. Muli po maraming, maraming salamat Pastor Quiboloy,” pahayag ni Casanova.

Para naman kay Dr. Lorraine Badoy isang katagumpayan ang ginawang hakbang ng KWF sa pagpapahinto ng paglimbag ng mga aklat na siyang nag-uudyok sa mga mambabasa na maging kritiko sa gobyerno.

The hold in abeyance of those books is a victory for the Filipino people and it’s a victory for all of us who really want to end the destruction of our children by the CPP-NPA-NDF. The other part I need to talk about I don’t know kasi if that’s in the process of KWF. Are they allowed to do that etc. So that’s not too much that not too important to me. What’s important to me and to us here ito ang hiningi natin di ba at ng taumbayan. Talagang ‘wag niyong ipaabot ‘yang lason na ‘yan sa aming mga anak kasi those are not just words, recruitment ‘yan di ba?” pahayag ni Badoy.

Follow SMNI News on Twitter