PERMANENTENG tinanggal na sa Terminal 2 at 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tinutukoy na mga upuang may surot.
Kinumpirma ito ng Manila International Airport Authority (MIAA) at sinabing isasailalim na ito sa disinfection.
Kasama rito ay ipinag-utos din ni MIAA General Manager Eric Ines sa terminal managers na imbestigahan ang ulat kaugnay sa surot.
Humingi ng paumanhin ang MIAA hinggil dito at ibinahagi na nilang nakatanggap ng medical assistance mula sa kanilang medical teams ang dalawang biktima.