Mga vendors na apektado ng sunog sa Baguio City Public Market, tatanggap ng P10-K ayuda

Mga vendors na apektado ng sunog sa Baguio City Public Market, tatanggap ng P10-K ayuda

TINATAYANG nasa 1,700 vendors ng Baguio City Public Market ang makatatanggap ng ‘financial assistance’ na nagkakahalaga ng P10-K mula sa pamahalaan ngayong araw, Marso 17.

Ito’y kasunod ng insidente ng sunog noong Marso 11 na tumupok sa pampublikong pamilihan ng Baguio City.

Layon nitong matulungang makapagsimulang muli sa kanilang negosyo ang mga apektadong vendor.

Sa pahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ipamamahagi ang naturang tulong-pinansiyal sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng ahensiya.

Una nang namahagi ng relief assistance na nagkakahalaga ng mahigit P1-M ang ahensiya noong Linggo, Marso 12.

Sa nangyaring sunog, tinatayang nasa kabuuang 1,200 vendors ang apektado kung saan 1700 dito ang mga vendor na nasunog ang mga stall, habang nasa 500 vendors naman na malapit sa naturang palengke ang hindi nakapagtinda sa loob ng 2 araw.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter