PINARANGALAN ng Maritime Industry Authority (MARINA) sina Senator Cynthia Villar at anak na si Representative Camille Villar sa kanilang tulong sa pagbabakuna sa Pinoy seafarers.
Sa pamamagitan nina Sen. Villar at Rep. Villar, ginamit ng MARINA ang family-owned The Villar Tent sa South Global City, Las Piñas, bilang vaccination site ng seafarers.
Sa kanilang mga itinakdang araw, may 1,000 seafarers kada araw ang nabakunahan ng Western vaccines gaya ng Pfizer, Moderna at Jansen sa The Villar Tent.
Nabakunahan ang seafarers noong Hunyo hanggang Agosto sa fully-airconditioned at malawak na The Villar Tent kung saan mahigpit na ipinapatupad ang health protocols ng Department Health at IATF.
Sa isang simpleng seremonya noong Agosto 26, binigyan sina Sen. Villar at Rep. Villar ng Plaque of Recognition sa pagkilala sa kanilang suporta sa pagbabakuna sa Filipino seafarers.
Ibinigay ang plaques ni MARINA Administrator VADM Robert Empredad, (AFP Ret.) na naunang humingi ng tulong sa mga Villar para magamit ang The Villar Tent.
Ang The Villar Tent ang tanging privately-owned venue na ginamit sa vaccination rollout ng Filipino seafarers. Ginamit din ang Bureau of Quarantine (BOQ) Central sa Port Area, Manila at Office of the Associated Marine’s Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines (AMOSUP) sa Intramuros, Manila.
Nagpapasalamat sina Sen. Villar at Rep. Villar dahil sa kanilang maliliit na paraan, nakatutulong sila sa ating seafarers at sa maritime industry ng bansa.
Bilang masugid na Overseas Filipino Workers advocate, kinlala ni Sen. Villar ang kontribusyon ng ating seamen upang manatiling nakaangat ang ating ekonomiya sa kabila ng pandemya.
“With the vaccines, Filipino seafarers, whose earnings were disrupted following the shutdown operations of the shipping industry, can now go back to their ship,”sabi ni Sen. Villar.
“They can now return to their job and provided for the needs of their families,” dagdag pa ni Sen. Villar na nagsabing kabilang ang maritime sector sa matinding tinamaan ng coronavirus.
Tiniyak ng mga Villar na nakahanda ang kanilang pamilya na tumulong sa pamahalaan sa paglaban sa Covid-19.
Pinagagamit din ng Villar family ang kanilang mga gusali bilang quarantine at isolation facilities para sa mild at moderate Covid-19 patients. Nagkakaloob din sila ng temporary shelter sa health workers upang masigudo ang kaligtasan ng kanilang pamilya at mga mahal sa buhay laban sa virus.
“We need to help the government in any way we can especially that we are in a pandemic. We are currently facing a very difficult battle,” giit ni Sen. Villar.
Nagdo-donate rin ang mga Villar ng medical at laboratory equipment sa Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center.
“Coping up with the coronavirus should be collective efforts of the government and the private sector,”sabi pa ng senator na namumudmod din ng face masks, face shields at alcohol sa general public.
BASAHIN: Villar, magtatayo ng Dairy School para maisulong ang PH dairy industry, milk production