SA kabila ng masungit na panahon, matagumpay na naisagawa ang pagtatanim ng puno sa paanan ng Bundok Makiling.
Pinangunahan ng mga volunteer ng Sonshine Philippines Movement (SPM) ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng mga lokal na opisyal at kinatawan mula sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).
Layunin ng aktibidad na ito na mapanatili ang kagandahan at maprotektahan ang biodiversity ng bundok.
Isa sa malalaking hamon sa Bundok Makiling ay ang ilegal na pagputol ng mga puno at climate change na nagdudulot ng pagbabago sa mga likas na yaman.
Kaya naman daan-daang fruit bearing trees tulad ng suha, camagong, balig-ang, at calamansi ang itinanim sa nasabing lugar.
Malaki ang pasasalamat ng pamunuan ng Brgy. Puting Lupa dahil napili ang kanilang lugar na pagdausan ng tree planting activity na inisyatibo ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Ang programang na “One Tree, One Nation” ay patuloy na isinasagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang mabawasan ang epektong dulot ng global warming at climate change.
#OneTreeOneNation
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal