Michael Jordan, may planong ibenta ang mayorya share sa Hornets

Michael Jordan, may planong ibenta ang mayorya share sa Hornets

PLANO ni retired NBA legend Michael Jordan na ibenta ang mayorya sa kaniyang share sa Charlotte Hornets subalit wala pang napipinto na kasunduan hinggil dito.

Ayon sa ulat, ibebenta niya ito kay Hornets minority shareholder Gabriel Plotkin at Atlanta Hawks minority owner Rick Schnall.

Manananatili naman kay Jordan ang minority sa kaniyang share.

Taong 2010 nang mabili ni Jordan ang Hornets sa halagang $275-M matapos ang

pagiging minority shareholder nito noong 2006.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter