DADALO si dating Presidential Economic Adviser Michael Yang sa susunod na pagdinig ng Senado ukol sa overpriced pandemic supplies na nakatakda sa Biyernes.
Kinumpirma ito ng legal counsel ni Yang na si Atty. Raymond Fortun.
Ayon kay Fortun, kasalukuyang nasa Pilipinas si Yang at dadalo sa imbestigasyon via virtual.
Kinumpirma rin ni Fortun na humiling sila sa Senate Blue Ribbon Committee ng interpreter si Yang.
Noong Martes nang ipinaaresto ng nasabing komite siyang matapos ang dalawang beses na pag-walang bahala sa dalawang subpoena na ipinadala ng Senado.