Michael Yang, inabsuwelto ng PDEA kaugnay sa iligal na droga

Michael Yang, inabsuwelto ng PDEA kaugnay sa iligal na droga

INABSUWELTO ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva si dating Presidential Adviser Michael Yang sa drug links sa Davao City.

Iginiit ni Villanueva na hindi sangkot si Michael Yang sa isang drug laboratory na naging subject ng kanilang imbestigasyon kaya ito inabsuwelto.

Ayon sa PDEA chief, kilala nila ang mga personalidad na sangkot sa droga.

Binanggit din nito sa Pangulo ang pangalan sa apat na sangkot sa iligal na droga na hanggang ngayon ay nananatiling “at large.”

Matatandaang sa pagdinig ng Senado ukol sa government contract na nasungkit ng Pharmally Corporation para bumili ng 8 bilyong pesos na halaga ng medical supplies sa gitna ng COVID-19 pandemic, na hotseat si Yang dahil sa sinasabing ugnayan nito sa Chinese businessman na si Allan Lim na sangkot sa droga.

Si Yang ay kinilala ng presidente ng Pharmally President Huang Tzu Yen bilang isa sa nagpahiram ng pera sa kompanya.

 

SMNI NEWS