HINIRANG ng Department of Tourism (DOT) bilang ambassador si Miss Universe Philippine 2023 Michelle Marquez Dee.
Nagpasalamat naman si Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco kay Michelle dahil sa suporta ng beauty queen sa turismo ng Pilipinas nang sumabak ito sa Miss Universe.
Matatandaan na suot-suot ni Michelle sa kaniyang national costume ang tila eroplanong simbolo ng kaniyang pagiging reservist ng Air Force at sa likod ng pakpak ay nakalagay ang slogan ng DOT na “Love the Philippines”.