Michelle Dee, humakot ng award sa Miss Universe 2023

Michelle Dee, humakot ng award sa Miss Universe 2023

HINDI man nasungkit ang korona, humakot naman ang Pinay beauty queen na si Michelle Dee ng tatlong award sa Miss Universe 2023.

Kabilang na dito ang pagkapanalo ng Spirit of Carnival Award, gold winner para sa Voice for Change, at pagkakasali sa top 10 finalists mula sa 84 na kandidata ng Miss U.

Nasungkit naman ni Miss Nicaragua Sheynnis Palacios ang korona ng 72nd Miss Universe.

Ito ang kauna-unahang panalo ng Nicaragua sa kasaysayan ng Miss U.

Itinanghal naman na first runner up si Anntonia Porsild ng Thailand at second runner-up si Moraya Wilson ng Australia.

Isinagawa ang grand coronation night ng 72nd Miss Universe sa Jose Adolfo Pineda Arena sa San Salvador, El Salvador nitong Linggo, Nobyembre 19.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble