PASOK sa Top 10 Silver Finalists si Miss Universe Philippines Michelle Dee.
Para ito sa Voice for Change competition ng 2023 Miss Universe pageant.
Sa Instagram post ng Miss Universe Philippines, nauna na nitong inanunsiyo na isa sa mga nangunguna sa Voice for Change voting ang Filipina beauty queen.
Ngayon ay hinihikayat naman ng local organization ang lahat ng mga Pinoy na makiisa para manguna pa rin sa Miss Universe fan vote si Michelle.
Ang sinumang mananalo sa fan vote ay makakakuha ng automatic placement sa semifinals.
Ang coronation night ay sa Nobyembre 19, 9 am Philippine Time.
Congratulations, Michelle Dee!