Michelle Dee, na-isyu ng ‘special treatment’ sa pagsali bilang PAF reservist

Michelle Dee, na-isyu ng ‘special treatment’ sa pagsali bilang PAF reservist

NAKARAMDAM ng pagkadismaya ang mga miyembro ng Manlawid Class 2023 Bravo dahil diumano’y hindi dumaan sa tamang proseso ng reservist training ng Philippine Air Force (PAF) si Miss Universe Philippines Michelle Dee.

Kabilang si Michelle sa nagtapos noong Setyembre 10 bilang reservist ng PAF sa ilalim ng Manlawid Class 2023 Bravo.

Ayon sa kanila, ang “special treatment” na ito diumano kay Michelle ang naging mitsa para ma-demoralize ang ibang aspiring reservists.

Nagsimula ang klase at training nila noong Hulyo 2023 pero nakita lang umano nila si Michelle nitong linggo lamang.

Samantala, nakatakda sa Setyembre 30, 2023 ang graduation day ng Manlawid Class 2023 Bravo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble