‘THERE should be no room for error, but the reality is we live in an imperfect world,’ ito ang mga katagang iniwan ni Miss Universe Philippine Michelle Dee.
Ito ay kaugnay sa pagkakamali ng Miss Universe El Salvador sa coronation night ng 72nd Miss Universe.
Ito’y matapos magkamali ang pageant organizer nang ilagay ang mukha ni Michelle sa top 5 art card sa halip na si Miss Thailand Anntonia Porsild.
Paliwanag ng organizers, nagmamadali sila sa kanilang pag-post sa kasagsagan ng live broadcast kaya aksidenteng nagkapalit ang pangalan ng dalawang finalists.
Humingi naman ng tawad ang Miss U organizers kina Michelle at Anntonia.
Agad namang nag-upload ng tamang art card sa kanilang page ang pageant organizers.
Kabilang si Michelle sa top 10 ng 2023 Miss U habang si Anntonia naman ang first runner up.
Naipanalo naman ni Sheynnis Palacios ng Nicaragua ang kanilang kauna-unahang korona ng Miss Universe.