POSIBLENG magiging miyembro na ng International Olympic Committee ang aktres na si Michelle Yeoh.
Ito’y dahil noong Setyembre 8 ay kasama sa listahan si Yeoh sa walong iminungkahi na magiging panibagong miyembro ng IOC.
Kung sisilipin, si Yeoh ay dating Malaysian Junior Squash Champion at pumasok sa Hollywood bilang Chinese bond girl sa pelikulang “Tomorrow Never Dies” noong taong 1997.
Tampok din si Yeoh sa palabas na “Memoirs of a Geisha” noong taong 2005 at “Crazy Rich Asians” noong taong 2018.
Si Yeoh naman ang kauna-unahang Asian actress na nanalo sa Oscar Awards bilang Best Lead Actress para sa pelikulang “Everything Everywhere All at Once”.