IGINIIT ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na pwedeng i-invest sa Pilipinas ang Maharlika Investment Fund (MIF).
Ang reaksyon ay ginawa ni Diokno dahil sa panawagan ng ilang sektor na dito na lamang i-invest sa bansa ang MIF.
Halimbawa, pwedeng pondohan ng MIF ang mga transport cooperative na hindi na kayang bumili ng modernized jeepney bilang pagtalima sa PUV modernization program ng pamahalaan.
Ani Diokno, lahat ng investments na papasukin ng MIF ay dadaan sa mahigpit na paghimay ng National Economic Development Authority (NEDA).
At kung makapasa sa NEDA Standards at mai-provide ang lahat ng requirements, posibleng mapondohan ang isang Filipino-owned company.
“If you want to invest in infrastructure projects, it has to pass the NEDA test which is a rate of return of at least 10%. So that’s the NEDA test. And as you know, NEDA is very strict in terms of project evaluation. So, if that transport project will meet that test, will consider it,” ani Diokno.
Muli namang tiniyak ni Diokno na hindi mapag-iiwanan ang mga Filipino owned businesses sa MIF basta’t pasado ang mga ito sa NEDA standards.