TUNAY na susi para sa malawakang development ang Maharlika Investment Fund (MIF) ng Marcos admin ayon kay Albay 2nd District Representative at Ways and Means Committee Chair Joey Salceda.
Sa katunayan, ilang investment funds na ang interesado rito gaya ng Temasek Singapore at Japan Bank for International Cooperation.
Sinabi ni Salceda, tanging ang Pilipinas na lang ang major ASEAN economy na walang sovereign wealth fund (SWF) bago ipinanukala ang MIF.
Ang Pilipinas din aniya ay isa sa mga bansa na State Bank o Central Bank ang nagsisilbing dominant player sa financial sector.
Mayroon din itong “highly liquid” na financial sector at cash-rich na corporate sector subalit limitado ang investment options sa domestic capital market, bagay na mareresolba na sakaling ganap na maisabatas ang pagbubuo ng MIF.