Mike Defensor, hinikayat ang Malakanyang na bigyan ng PSG si BBM

Mike Defensor, hinikayat ang Malakanyang na bigyan ng PSG si BBM

HINIKAYAT ni Anakalusugan Party-list Representative at Quezon City mayoral candidate Michael Defensor ang Malakanyang na ikonsidera ang pagbibigay ng Presidential Security Group (PSG) kay former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ani Defensor, si BBM lamang ang major presidential candidate na walang personal protection ng gobyerno dahil hindi ito incumbent official.

Dagdag pa ni Defensor, dapat gayahin ng Pilipinas ang Amerika kung saan nagbibigay ng proteksyon o PSG sa mga tumatakbong kandidato kahit hindi incumbent official.

Saad pa ni Defensor, hindi siya nababahala sa ibang kandidato dahil may mga bodyguard ang mga ito.

Sa ngayon, binibigay na ni Defensor ang desisyon sa Palasyo kung pagbibigyan ang kanyang panawagan.

BASAHIN: Mayoral candidate Mike Defensor, pinuri si Mayor Sara sa pagiging alisto at mapagkumbaba nito

Follow SMNI NEWS in Twitter