Mike Rama, ‘permanently’ disqualified na mula sa public office

Mike Rama, ‘permanently’ disqualified na mula sa public office

‘PERMANENTLY disqualified’ na ang nasuspinde lang sana na si Cebu City Mayor Mike Rama.

Sa order na inilabas ng Office of the Ombudsman na may petsa na Setyembre 9, 2024, permanente na itong disqualified para maupo sa anumang posisyon sa gobyerno matapos makitaang guilty sa nepotism at grave misconduct.

Sa nepotism, ang grounds o batayan dito ay ang pag-hire ni Rama sa dalawang lalaking kapatid ng kaniyang asawa bilang empleyado ng city hall.

Paglabag anila ito sa Civil Service Rules.

Kasama na rin sa ruling ay ang dismissal niya mula sa serbisyo, kanselasyon ng kaniyang eligibility, at forfeiture ng retirement benefits maliban na lang sa accrued/accumulated leave credits nito.

Binigyang-diin naman na hindi pa ‘final’ at ‘executory’ ang order.

Sa katunayan, ‘open for appeal’ ito.

Nitong Oktubre 3 ay naghain na ng kaniyang Certificate of Candidacy si Rama bago pa mailabas ang order na ito ng Ombudsman.

Samantala, sa isang mensahe na inilabas ni Rama, sinabi nito na tuloy pa rin ang laban at naniniwala siyang makakaahon din ito pagdating ng panahon mula sa kasalukuyang hamon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble