Militar at BARMM, suportado ang kani-kanilang programa para sa Central Mindanao

Militar at BARMM, suportado ang kani-kanilang programa para sa Central Mindanao

KAPWA nagpahayag ng suporta ang Joint Task Force Central (JTFC) at ang pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa peace and development programs para sa Central Mindanao.

Ito ay kasunod ng pulong ni Major General Roberto Capulong, 6th Infantry Division at JTFC acting commander kay BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim sa Cotabato City.

Kasama rin sa pulong si BARMM Minister of Public Order and Safety at Member of Parliament Hussein Muñoz.

Ayon kay Capulong, makakaasa ang BARMM na gagawin nila ang kanilang bahagi upang makamit ang kapayapaan at kaunlaran sa mga lugar ng Bangsamoro Special Geographic Areas kung saan may hurisdiksyon din ang 6ID.

Samantala, nagkasundo sina Capulong at Ebrahim na panatilihin ang bukas na komunikasyon, koordinasyon, at konsultasyon sa lahat ng antas upang mapanatili ang tagumpay ng kapayapaan sa rehiyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter