Militar at pulisya, pinuri sa pagkakahuli sa suspek sa pananambang kay Gov. Adiong

Militar at pulisya, pinuri sa pagkakahuli sa suspek sa pananambang kay Gov. Adiong

PINURI ng 6th Infantry Division (6ID) ng Philippine Army (PA) ang kanilang mga tauhan at ang pulisya sa matagumpay na pagkakahuli sa suspek sa pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong, Jr.

Si Lomala Baratumo, alyas Commander Lomala na nahaharap sa kasong murder ay naaresto matapos maharang sa ikinasang checkpoint sa Sitio Morales, Brgy. Centrala, Surallah, South Cotabato.

Ang suspek ay No. 5 most wanted person ng Police Regional Office (PRO) Bangsamoro at No. 1 most wanted person ng Lanao del Sur.

Ayon kay 6ID at Joint Task Force Central Commander Major General Alex Rillera, patunay na naging epektibo ang inilatag na mga checkpoint upang mahuli ang suspek na ilang buwan ding minanmanan ng mga awtoridad.

Sa ngayon, isinailalim na sa kustodiya ng South Cotabato Police Provincial Office ang suspek at itinurn-over sa Lanao del Sur Police Provincial Office para sa kaukulang disposisyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter