Militar, nagpaabot ng tulong at pag-asa sa mga biktima ng sunog sa Bonga, Tawi-Tawi

Militar, nagpaabot ng tulong at pag-asa sa mga biktima ng sunog sa Bonga, Tawi-Tawi

SA tulong ng Naval Forces Western Mindanao, matagumpay na naipaabot ng Philippine Army Finance Center Producers Incorporated Cooperative (PAFCPIC) ang kanilang tulong at hatid na pag-asa sa mga biktima ng sunog sa Brgy. Poblacion, Bongao, Tawi-Tawi.

Nangyari ang insidente nitong nakaraang Setyembre.

Binubuo ang ayuda ng hygiene kits, water kits, at sleeping kits.

Sa kabuuan ay umabot sa mahigit P1-M ang halaga ng tulong na naipaabot ng mga militar sa mga benepisyaryo nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble