Military operations laban sa CTGs hindi suspendido—ADG Malaya

Military operations laban sa CTGs hindi suspendido—ADG Malaya

NILINAW ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na hindi suspendido ang military operations ng kasundaluhan laban sa mga natitirang miyembro ng komunistang teroristang grupong (CTGs) Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ito ang inihayag ng opisyal sa programang Bagong Pilipinas Ngayon kaugnay sa inilabas ng pamahalaan nito lang kamakailan na Oslo Joint Communique na kung saan posibleng buhayin ang peace talk sa pagitan ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at gobyernong Pilipinas.

Paliwanag ng opisyal, bukas aniya ang Pangulo sa lahat ng posibilidad at para ano pang matapos na ang armadong pakikibaka.

“We just want to emphasize na wala pong suspensiyon of military operation as far we are concerned for the holiday season kasi ito pong peace talks na pinirmahan sa Oslo is just an expiratory effort kumbaga nagdesisyon lang ang dalawang panig kasi ang sabi sa amin ng National Democratic Front there prepared to forego the armed struggle so siyempre ang ating Pangulo naman is open to all venues to end armed struggle,” ayon kay ADG. Jonathan Malaya, National Security Council.

Sinabi pa ng opisyal na maliban sa pagpapatuloy ng military operations ay hindi rin hihinto ang iba pang programang kasundaluhan at ng pamahalaan sa pagkamit ng kapayapaan.

“So meron tayong local peace engagement ‘yung kinakausap natin ang mga guerilla sa probinsya meron tayong amnesty nakakalabas lamang ‘yung terms and the proclamation last week at may meron din tayong exploratory talks with the National Democratic Front,” dagdag ni Malaya.

Aminado naman ang pamahalaan na maging sila ay hindi alam kung saan hahantong ang nasabing hakbang ngunit siniguro lang nila na ipagpapatuloy ang magandang nasimulan ng AFP laban sa mga makakaliwang grupo.

“Right now it is premature kung saan makakarating itong exploratory meeting na ito so in the meantime tuloy lang po ang focus military operations of the Armed Forces of the Philippines and they will sustain the tempo that they have been doing so far,” ani Malaya.

Matatandaan na ang nabanggit na Communique ay nilagdaan noong Nobyembre 23, 2023, sa Oslo, Norway.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble