Milwaukee Bucks tinambakan ang Lakers

Milwaukee Bucks tinambakan ang Lakers

TINAMBAKAN ng Milwaukee Bucks ang Los Angeles Lakers sa kanilang paghaharap sa nagpapatuloy na NBA regular season.

Sa kanilang game, hindi pinaporma ng Bucks ang Lakers kung saan nagtapos ang kanilang score sa 118-89.

Sa unang quarter pa lang, 15 points na agad ang lamang ng Milwaukee at lumobo pa ito sa second half ng kanilang game.

Pinangunahan naman ni Giannis Antetokounmpo ang team na may 28 points.

Habang nag-ambag ng 23 points si Gary Trent Jr at 20 points si Kyle Kuzma.

Sunod na makakaharap ng Bucks ang Sacramento Kings sa Linggo, Marso 23.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble