Milyun-milyong medical face masks, nakumpiska ng Dubai economy

Milyun-milyong medical face masks ang kinumpiska ng Dubai Economy matapos sa isinagawang raid sa isang ilegal na warehouse na pinamamahalaan ng isang shipping company sa Ras Al Khor sa Dubai.

Sa raid na isinagawa ng mga awtoridad sa Dubai, milyun-milyong medical face masks ang nakumpiska nito sa hindi awtorisadong warehouse.

Nakumpiska ng Dubai Economy ang milyun-milyong face mask  sa isang raid sa iligal na warehouse na inooperate ng shipping company na Ras Al Khor area ng Dubai.

Ayon kay Ibrahim Behzad, Director ng Intellectual Property Rights Department ng Dubai Economy, ang inspeksyon na ito ay isinagawa upang masiguro ang proteksyon ng karapatan ng mga konsyumer.

Sa inspeksyon, natuklasan ng mga awtoridad na milyun-milyong medical face masks ang sumasailalim sa repackaging upang maging branded item at saka ibebenta sa local market.

Libu-libong mask na gawa sa tela rin ang nakumpiska sa nasabing raid.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng inventory ng mga nakumpiskang face mask ang Dubai Economic Officials.

Isinara naman ng mga awtoridad ang warehouse upang magkaroon bilang aksyon laban sa kumpanya dahil sa paglabag nito sa batas.

Ayon sa isang opisyal ng Dubai Economy, ang ganitong mga uri ng paglabag ay maaaring magmulta ng aabot sa limang libong Dirhams.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.