Milyun-milyong text scams at libu-libong scam calls, naitala sa Pilipinas nitong 2024 ─Whoscall

Milyun-milyong text scams at libu-libong scam calls, naitala sa Pilipinas nitong 2024 ─Whoscall

INILABAS ng kumpanyang Whoscall ang kanilang 2024 Philippine Scam Report.

Batay sa kanilang ulat, higit anim na milyong text scams ang kanilang naitala noong nakaraang taon habang higit anim na raang libong scam calls naman ang kanilang na-monitor.

Sabi ng Whoscall, mas dumami ang mga text scams pagsapit ng ber months kung saan umabot sa higit 2.7 milyon ang kanilang naitala.

Karamihan sa mga text ay may kinalaman sa loan scam, pag-register sa mga pekeng sites, at investment scam.

Maliban sa text, naglipana rin ang mga scammer sa social media.

Ayon sa Global Anti-Scam Alliance, ang Facebook at Gmail ang pinakaginagamit na mga social media platform ng mga scammer.

Sabi pa ng GASA na isa sa pinakadahilan kung bakit nabibiktima ang mga Pilipino ng scam ay dahil sa pagiging padalos-dalos.

76% sa mga scam ay nakukumpleto loob ng 24 oras habang 31% ay nai-scam sa loob lamang ng ilang minuto.

‘’More than 70% based on thier survey they didm more than 70% confirmed that they got scammed. We are really talking of very large amounts already,’’ ayon kay Mel Megrino Country head, Gogolook.

Ilan sa mga nabiktima ay hindi na sinubukang i-recover ang nakuhang pera mula sa kanila.

78% sa mga nabiktima ng scam ay sinubukan namang i-recover ang kanilang pera pero hindi na naibalik.

Sa kabila ng mga nasabing datos, mali raw na isisi ito sa Sim card Registration Act ayon sa Cybercrime Investigation and Coordination Center.

‘’Tandaan niyo. Hindi po Simcard Registration ang may diperensiya. Mabilis mag-evolve ang technology natin. Naglevel up sila. Nakita nila may vulnerability,’’ saad ni Usec. Alexander Ramos Executive Director, Cybercrime Investigation and Coordination Center.

Sa katunayan ayon kay CICC Executive Director Usec. Alexander Ramos ay nakatulong aniya ang Sim card Registration para malaman nila kung sino ang mga hahabulin at pananagutin sa batas.

Karamihan aniya sa mga bagong scam ay nanggagaling na sa social media na hindi sakop ng nasabing Sim card Registrstion Law.

‘’That’s why we are proposing an either an amendement or a new law which ever na mabilis mapasa to address the issue of social media platforms. ‘Yung social media naman because it is not regulated in any way and we need to regulate it,’’ ani Ramos.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble