BINIGYANG-diin ni Mindanao Development Authority (MinDA) Secretary Maria Belen Acosta na hindi ito maaaring basta-basta na lamang tanggalin ng Marcos administration sa kaniyang tungkulin dahil lang umano sa kawalan ng tiwala sa kaniya.
“Ako po ay feel so oppressed talagang napaka unfair po ng nangyari na ‘yan kasi ‘di ko naman ‘yan personal eh nag oath of office po ako bilang chairperson and secretary ng MinDa,” pahayag ni Maria Belen Acosta, Secretary, Mindanao Development Authority (MinDA).
‘Di kataka-taka para sa iilan ang sunud-sunod na ginagawa ng administrasyong Marcos sa pagpapatanggal at pagsuspinde sa puwesto ng mga government official na may kaugnayan sa dating pangulo ng bansa na si Rodrigo Roa Duterte.
Kabilang na sa mga ito ay sina Governor Hubajib ng Davao del Norte, Mike Rama na Mayor ng Cebu City at ang bago lang na tinanggalan din ng posisyon na appointed din ni dating Pangulong Duterte si Secretary Acosta.
Ang dahilan ng pagpapatanggal ni Marcos Jr. kay Acosta “loss of his trust and confidence” o kawalan ng tiwala at kumpiyansa na muling maituturing na unconstitutional move ng pangulo ng bansa.
“Kasi hindi nga po position ng trust and confidence eh, hindi ako kasama sa inner circle nila tapos sinasabi nila wala daw silang trust and confidence sa’kin, in the first place ako po ay chairperson ng MinDA hindi po ako ng inner circle ninyo, you have to factor out trust and confidence hindi ako co terminus ako ay protected ng batas,” pahayag ni Maria Belen Acosta – Secretary, Mindanao Development Authority.
Sa Republic Act 9996 o ang Mindanao Development Authority Act of 2010 Section 7, mayroong fixed term na six years o nakapirming termino sa loob ng anim na taon bilang kalihim ng naturang tanggapan kung saan, maaari lang itong matanggal sa posisyon kung makikitaang may paglabag sa batas o inilalagay nito sa masamang ang imahe tanggapan.
“At maganda po nito nakatanggap ang Mindanao Development Authority ng highest rating mula sa COA or Commission on Audit, ibig sabihin sa two years na ako’y nag perform, napakaganda ng resulta nito commission in audit, ibig sabihin good governance po ang pinairal natin duon sa Mindanao Development Authority,” ayon pa kay Acosta.
Sa kabilang banda naman ay may patutsada si Acosta kay Anton Lagdameo na kasalukuyang Special Assistant to the President ng Marcos administration at kay Leo Magno na bago lang naitalaga bilang kapalit nito.
“Kilala ko po ‘yan si Anton, kilala ko po ‘yan si Leo Magno, in fact nagkikita kami sa mga official functions eh, wala nama silang sinasabi sa’kin so ganun sila, wala akong nakitang goodwill, wala akong nakitang good faith kasi harap-harapan na ako’y nabastos ‘di sila gumawa ng attempt man lang na kausapin ako napakasama po ng ugali kasi kami po ay puro taga-Davao,” giit ni Acosta.
“Nag attempt si Leo Magno ako nag text siya sa’kin na madam can I call you, pero ‘yan po ay nalagdaan na ang kaniyang appointment saka pa siya tatawag sa’kin, ‘yung nalagdaan na appointment niya,” aniya.
Sa ngayon, kasalukuyan namang hinihintay ni Acosta ang disisyon ng Regional Trial Court (RTC) sa kaniyang mga isinampang reklamo laban sa mga nilabag na batas ng Marcos administration.