Mingyu ng Seventeen, kasama na ni Jisoo ng Blackpink bilang global ambassador ng Dior

Mingyu ng Seventeen, kasama na ni Jisoo ng Blackpink bilang global ambassador ng Dior

GAYA nina Jisoo ng Blackpink, Sehun ng Exo, Jimin ng BTS at Eunwoo ng Astro ay magsisilbi na ring global ambassador ng luxury brand na Dior si Mingyu ng Seventeen.

Bago ang anunsiyo ay nauna nang dumalo si Mingyu sa 2024 Dior Autumn-Winter Women’s Collection Show noong Pebrero sa Paris Fashion Week.

Sa kabilang banda, inanunsiyo na rin ng Seventeen na magkakaroon sila ng world tour ngayong taon.

Specific na nai-mention na mga bansa na bibisitahin ng grupo ang Japan, ilang Asian countries, Estados Unidos at marami pang iba.

Bagamat wala pang dates, venues at ticketing details, ang kick-off ng “right here” world tour ng Seventeen ay sa Oktubre na.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble