Minimum public health standards, kailangan sundin hanggang Setyembre 2022 – DILG

Minimum public health standards, kailangan sundin hanggang Setyembre 2022 – DILG

IGINIIT ni Interior Secretary Eduardo Año na kailangan sundin ang minimum public health standards hanggang Setyembre 2022.

Ito ay matapos sabihin umano ni Cebu Governor Gwen Garcia na may 2 linggo na lamang ang mga nakaupong opisyal at inuna niya ang kapakanan ng kanyang mga kababayan sa pagluluwag sa pagsusuot ng face mask.

Ayon kay Año, kahit may 2 linggo na lamang sila ay hindi ito ang dahilan para hindi na sundin ang batas.

Sa katunayan aniya ang state of calamity dahil sa COVID-19 pandemic ay tatagal hanggang Setyembre 2022, alinsunod sa EO 1218.

Naniniwala si Año na mali ang sinasabi ng gobernadora na inuuna niya ang kapakanan ng kanyang mga kababayan sa pagluluwag sa pagsusuot ng face mask dahil inilagay pa niya ang mga ito sa panganib.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter