Mining industry, sagot sa matamlay na ekonomiya ng bansa

Mining industry, sagot sa matamlay na ekonomiya ng bansa

NANANAWAGAN ngayon si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa pamahalaan na pag-aralan ang muling pagbuhay sa mining industry sa bansa para masolusyunan ang matamlay na ekonomiya ng bansa dahil sa COVID-19.

Sa isang privilege speech kamakailan, sinabi ni Barbers na ang pagmimina ang sagot sa economic woes na nararanasan ng bansa.

“It is high time that we take a good look at our mines. This is the only answer to our economic woes.” – Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers

Giit ni Barbers, ito ang natitirang solusyon makakabayad sa utang ng gobyerno para maagapan ang economic crisis dahil sa pandemya.

“This is the only source of funding that could pay off all the debts incurred now and stimulate growth in our economy.” – Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers

 

Batay sa 2012 report ng Mines and Geosciences Bureau, tinatayang nasa US$840 billion ang katumbas ng untapped mineral wealth.

Ang Pilipinas ang ikalima sa mga mineral-rich country sa buong mundo na hitik sa gold, nickel, copper, chromite, iron ore, lead at zinc deposits.

Karamihan sa mga mineral-rich na lugar sa bansa ay matatagpuan sa Luzon at Mindanao.

Giit ni Barbers, walong taon na ang nakalilipas nang ipalabas ang MGB report at ang presyo ng mga precious metal ay tumataas kada taon.

Dahil diyan, nakikita ni Barbers na kikita ang Pilipinas ng trilyong dolyar sa mining industry.

“And the continuing rise in the worldwide prices of precious metals, particularly gold, makes the value of our untapped minerals increase to trillions of dollars.” – Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers

Sa ngayon giit ni Barbers ay napakataas ng trading price sa ginto o katumbas ng US$2,000 per ounce at ang Pilipinas may million of ounces na gold deposits.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.