Ministry of Economy ng UAE, mayroon nang opisina sa Metaverse

Ministry of Economy ng UAE, mayroon nang opisina sa Metaverse

NAGBUKAS ang UAE Ministry of Economy ng office sa Metaverse na magiging accessible naman sa buong mundo.

Ang gusali na mayroon ito sa Metaverse ay eksaktong replica ng Ministry of Economy sa Abu Dhabi na mayroong parehas na serbisyo sa mga bisita nito.

Inihayag ni Abdulla Bin Touq Al Marri, Minister of Economy ng bansa ang groundbreaking na ito sa Dubai Metaverse Assembly sa panel discussion kasama ang industry stakeholders.

Ayon kay Al Marri, ang huling development na ito ay parte ng effort ng UAE na maging hub ng Web 3 technology sa buong rehiyon.

Ang mga bisita sa virtual office ng Ministry of Economy ay maaaring magsagawa ng meeting at network sa mga bisita gamit ang kanilang mga Avatar.

Posible rin umanong pumirma ng kasunduan ang ministry at ang Metaverse upang maging accesible ang 24/7 customer care support sa virtual office nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter