Minority bloc sa 19th Congress, hindi magiging sagabal – Sen. Pimentel

Minority bloc sa 19th Congress, hindi magiging sagabal – Sen. Pimentel

IBINAHAGI ni Sen. Koko Pimentel na target ng minority bloc ng Senado na hindi sila maging obstructionist o sagabal sa 19th Congress.

Sa panayam ng SMNI News kay Sen. Pimentel, nilinaw niya na pakikipagtulungan sa ikauunlad ng bansa ang mensahe ng nasa minority bloc.

Sasabihin at ipapaalala lang aniya sa majority bloc na sundin kung anuman ang nakasaad sa batas.

Positibo naman ang feedback ni Pimentel sa cabinet members na itinalaga ngayon ni President-elect Bongbong Marcos para sa kanyang administrasyon.

Aniya, ang mga napili batay sa kani-kanilang expertise ay bagay sa mga departamento nila.

Samantala, pabor si Pimentel na isuspinde ang excise tax sa gitna ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter