NASA mahigit na 200 na Automated Counting Machines (ACM) ang nag-malfunction sa kasagsagan ng halalan noong May 12 elections.
Ang mga makina na ginamit sa nagdaang halalan ay galing sa bagong service provider na Miru System na nakabase sa South Korea.
Bagama’t inasahan ng publiko na walang magiging problema o aberya sa mga bagong makina, ilang units pa rin ang pumalya na sinisisi naman ng Commission on Elections (COMELEC) sa matinding init ng panahon.
Si Chairman George Garcia, aminadong hindi lubos na nasiyahan, at binigyan lamang ng 8 out of 10 na grado ang serbisyo ng Miru Systems sa nagdaang eleksiyon.
COMELEC, naghahanda na para sa BARMM Parliamentary Elections sa Oktubre
Samantala, puspusan na ang paghahanda ng COMELEC para sa BARMM Parliamentary Elections na gaganapin ngayong darating na Oktubre.
Bahagi ito ng extension ng 2025 National and Local Elections, kaya’t sinisiguro ng komisyon na magiging maayos at makabuluhan ang pagsasagawa nito.
Gagamit pa rin sila ng makina ng Miru, pero magkakaroon ng pababago sa balota kung saan dapat isama ang larawan ng kandidato at ang mga logo ng mga organisasyon sa balota maging ang none of the above feature para sa opsiyon ng mga botante kung ayaw nilang bomoto.
Dahil dito muli aniya magsasagawa ng panibagong source code at trusted build ang komisyon.
7, 000 na makina ang gagamitin sa BARMM Elections.
Ayon sa COMELEC, maaaring palitan na ang service provider sa 2028 elections depende sa kung sino ang makakapagbigay ng mga makinaryang tugma sa mga hinihingi ng komisyon.
Samantala, magbubukas ulit ang COMELEC ng voter registration sa huling linggo ng July pero magtatagal lamang sa loob ng sampung araw para sa BSKE Elections.
Hindi aniya kasama dito ang para sa BARMM Elections.
Ibig sabihin, wala silang tatangapin na bagong botante para sa naturang elekson.