Misencounter sa Drug Operations tiniyak na hindi mangyayari sa Camarines Sur

TINIYAK ng PNP Camarines Sur na hindi mangyayari ang Misencounter sa Drug Operations sa probinsya ng Camarines Sur kung saan 240 barangay sa lalawigan ang idineklarang drug cleared.

Siniguro ng PNP Camarines Sur na hindi mangyayari ang Misencounter sa Drug Operations tulad ng umano’y nangyari sa Quezon City sa pagitan ng pulis at PDEA agents.

Ayon sa tagapagsalita ng pulisya sa lalawigan na si PMAJ Louie Dela Peña, sinabi nitong maganda ang relasyon ng PDEA at PNP sa probinsya kaya’t malayong mangyari ang naganap na misencounter sa lalawigan gaya ng nangyari sa lungsod ng Quezon City

Maayos umano ang kanilang koordinasyon sa mga operasyon lalo na nitong nagdaang araw na sunod-sunod ang isinagawa nilang mga drug operations.

Sa huling datos umabot na sa 240 ang idineklarang drug cleared barangays sa lalawigan base sa isinagawang evaluation ng PDEA.

Sa record ngayong buwan ng pebrero sa drug cleared brgys., tig iisa ang nadagdag sa lugar ng Bato, Baao, Del Gallego, Lagonoy, Ocampo at San Jose., walo (8) naman sa Nabua, lima (5) sa Libmanan at (3) Canaman at parehanong dalawa (2) naman ang nadagdag sa drug cleared barangays sa Iriga at Magarao habang apat (4) naman ang nadagdag sa Milaor.

SMNI NEWS