Miss Grand Int’l 5th Runner-Up Roan Tamondong ng Pilipinas, pormal nang kinoronahan

Miss Grand Int’l 5th Runner-Up Roan Tamondong ng Pilipinas, pormal nang kinoronahan

PORMAL nang kinoronahan si Binibining Pilipinas Grand International 2022 Roberta Angela Tamondong bilang Miss Grand International (MGI) Fifth Runner-Up ngayong taon sa isang grand fan meet sa Thailand kagabi, sa kabila ng pormal na pag-withdraw ng Binibining Pilipinas Organization sa MGI Org.

Sa isang video na ipinost ng MGI sa Instagram si MGI President Nawat Itsaragrisil mismo ang naglagay ng fifth runner-up sash at korona kay Tamondong.

Si Tamondong ang huling binibini na ipinadala ng Binibining Pilipinas Charities Inc. (BPCI) para lumaban sa MGI.

Bilang top 10 appointee, nasa Bangkok ngayon si Roan kasama ang 9 na iba pang mga reyna mula sa iba’t ibang bansa upang maglibot sa Thailand at ilang bansa sa Asya upang isulong ang layunin ng MGI na itigil ang digmaan at karahasan.

 

Follow SMNI News on Twitter