PALALAWIGIN pa ang show schedules ng “Miss Saigon” sa Pilipinas!
Ayon sa GMG Productions, dahil sa “overwhelming” na pre-sale tickets ay napagdesisyunan na ilipat ang last show nito sa Mayo 5, 2024.
Ang orihinal sana na closing date ay sa Abril 21, 2024.
Samantala, ang ticket prices ay magsisimula ng P2,116 hanggang P8,464 at nagsimula na ang bentahan nito noong Nobyembre 6.
Ang unang show naman ng “Miss Saigon” ay gaganapin sa Marso 23, 2024 sa Theatre at Solaire, Parañaque City.
Sentro ng “Miss Saigon” ang kuwento ng isang American sergeant at Vietnamese bar girl sa kalagitnaan ng Vietnam War noong 1970s.
Sa 1989 musical ng “Miss Saigon” ay tampok si Lea Salonga at dito na nag-umpisa ang kasikatan ng singer-actress.