BIBISITA sa Pilipinas ang reigning Miss Universe na si Victoria Kjaer Theilvig ngayong Marso 25 hanggang 30.
“Where warm hearts meet beautiful Islands, and memories are made. Philippines are you ready?” Yan ang caption sa official post ng Miss Universe Philippines sa Instagram ngayong Martes.
Ang Pilipinas ay may malakas na kultura sa pageantry at ilang korona na rin ang naiuwi sa bansa, kaya naman marami ang excited sa pagbisita ng reigning queen.
Si Victoria Kjaer Theilvig ay isang Danish model at beauty queen mula sa Denmark.
Bago nagwagi sa Miss U ay naging 2nd runner up sa Miss Denmark 2021 at nakapasok sa Top 20 ng Miss Grand International 2023.
Siya rin ang first ever Danish na nakapag-uwi ng Miss Universe crown para sa kanilang bansa.
Sa ngayon ay hindi pa nailabas ang details ng kaniyang itineraries, ngunit sure naman na kasali rito ang iba’t ibang engagements and public appearances.
Follow SMNI News on Rumble