NAKAUWI na si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa Pilipinas nitong Huwebes lamang.
Tahimik lang ang pagbabalik-bansa ni Rabiya matapos ang tatlong buwang pamamalagi sa Amerika.
Matatandaan na Abril 9 umalis ng Pilipinas si Rabiya para sa 69th Miss Universe Pageant na ginanap noong Mayo 16 sa Hollywood, Florida kung saan nakapasok ito sa Top 21.
Kasalukuyang sumailalim si Rabiya sa mandatory quarantine bilang requirement sa mga uuwing overseas Filipino.
Nakatakda namang gawin ang welcome presscon ni Rabiya pagkatapos ng quarantine nito kung saan ang mga fully vaccinated lang ang maaaring dumalo.
Samantala, proud ang aktres na si Heart Evangelista sa matagumpay na art collaboration sa American rock band na Incubus.
Nabatid na ang bokalista mismo ng Incubus na si Brandon Boyd ang nagbida sa matagumpay na art collaboration ng aktres.
Ito’y mahigit isang buwan mula nang ianunsyo ng misis ni “Chiz” Escudero ang aniya’y munting proyekto para sa kanyang talento sa pagpipinta.
Ang bandang Incubus ang nasa likod ng classic hits na Megalomaniac, Wish You Were Here, Nice To Know You at marami pang iba.