Miss World 2021 pageant, tuloy na tuloy na ngayong Marso

Miss World 2021 pageant, tuloy na tuloy na ngayong Marso

NAGHAHANDA nang muli ang pambato ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez para sa Miss World 2021 pageant na gaganapin sa San Juan, Puerto Rico.

Matapos itong makansela noong Disyembre noong nakaraang taon.

Wala nang makapipigil pa sa laban ng Pilipinas para sa Miss World 2021 pageant na gaganapin sa Puerto Rico.

Ilang araw mula ngayon ay nakatakdang lumipad sa nasabing bansa ang pambato ng Pinas na si reigning Miss World Philippines Tracy Maureen Perez.

Sa kanyang pagbabalik, buo ang loob ni Tracy na makukuha ng Pilipinas ang korona bilang bagong Miss World 2021.

Sa kabila ng mga napagdaanang hamon sa buhay at maging sa loob ng organisasyon dulot na rin ng pandemya.

Pero aniya, kayang kaya niyang ibalik muli ang titulo ng Miss World para sa Pilipinas.

Aminado rin si Tracy na marami pa siyang dapat na paghandaan bagama’t makailang beses na ring nanalo si Tracy sa ilang rounds ng head to head challenge ng Miss World.

Sa katunayan, isa ang proyekto ni Tracy sa mga napili ng Miss World organization beauty worth a purpose kung saan nakatakdang magtungo rito ang mga kinatawan ng organisasyon para suportahan ang programa nito lalo na sa single moms hindi lang sa kanilang lugar sa Cebu kundi maging sa buong mundo.

Humihingi naman ng dasal si Tracy para sa tagumpay nito ngayong Marso para sa bakbakan ng 40 naggandahang mga babae sa buong mundo.

SMNI NEWS