Miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu

Miyembro ng Abu Sayyaf, sumuko sa Sulu

SUMUKO sa 2nd Special Forces Battalion ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Sulu.

Kinilala ito na si alyas Bas, 23 taong gulang at residente ng Barangay Lubok-Lubok, Panglima Estino, Sulu.

Sa initial debriefing kay alyas Bas, napag-alaman na siya ay tagasunod ni Abu Sayyaf sub-leader Jaber Susukan.

Sinabi rin ni alyas Bas na sumuko siya dahil sa pagod na magpalipat-lipat ng lugar habang sinusubukang iwasan ang pwersa ng gobyerno.

Ibinaba niya sa militar ang isang M16 rifle.

Sinabi ni Major General Ignatius Patrimonio, commander ng Joint Task Force Sulu na irerekomendang maisama ang sumukong Abu Sayyaf sa Localized Social Integration Program ng Panglima Estino.

Follow SMNI NEWS in Twitter