Miyembro ng Ben&Ben na si Toni Muñoz, na-diagnosed ng Bell’s Palsy

Miyembro ng Ben&Ben na si Toni Muñoz, na-diagnosed ng Bell’s Palsy

INAMIN ng miyembro ng bandang Ben&Ben na si Toni Muñoz na mayroon siyang sakit na Bell’s Palsy.

Nagkaroon ng lakas si Toni na sabihin ang kaniyang life update bago lumipad patungong Sydney para sa Ben&Ben’s 1MX Show.

Ayon sa singer, paralyzed ang kanang bahagi ng kaniyang mukha at mayroong pagbabago sa paraan ng kaniyang pagsasalita.

Inamin din ni Toni na hindi madali ang kaniyang pinagdadaanan at tinukoy na ‘‘it’s a roller coaster experience physically, mentally, at emotionally’’.

Laking pasasalamat pa din ng Ben&Ben singer sa suporta at pagmamahal na ibinigay ng kaniyang mga taga suporta.

Samantala, inilabas na ng Ben&Ben ang bagong version ng kanilang bagong kanta na “Courage”.

Follow SMNI NEWS on Twitter