DUMATING na sa bansa, Abril 17 ang umano’y leader ng teroristang grupong CPP-NPA-NDF na si Eric Jun Casilao matapos mahuli at i-deport ng Malaysia.
Ayon kay Col. Xerxes Trinidad ng Army Chief Public Affairs, kabilang sa mga kasong kinakaharap ni Casilao sa bansa ay kidnapping, serious illegal detention at murder.
Maliban kay Casilao ay pinaghahanap din ang asawa nitong si May Vargas Casilao dahil din sa kasong kidnapping, serious illegal detention, at attempted murder.
Kinilala naman ng 10th Infantry Division ng Philippine Army si Casilao bilang secretary ng Southern Mindanao Regional Committee ng CPP-NPA.
Matatandaan may patong na 5.4 milyong pisong dahil sa mga kinakaharap na krimen.
Kinumpirma naman ni Bureau of Immigration Deputy Spokesperson Melvin Mabulac na nakapagbiyahe sa labas ng bansa si Casilao gamit ang isang pekeng pangalan.