Miyembro ng Dawlah Islamiyah, arestado sa South Cotabato

Miyembro ng Dawlah Islamiyah, arestado sa South Cotabato

NAARESTO ang isang miyembro ng Dawlah Islamiyah–Hasssan Group na pinangunahan ng Special Action Force (SAF) kasama ang Criminal Investigation and Detection Unit, South Cotabato.

Ang nasabing hakbang ay bahagi ng counterterrorism operation sa pamamagitan ng pagsisilbi ng Warrants of Arrest kay Jaffer Mariano sa Brgy. Lapu, Polomok South Cotabato.

Si Mariano ay nahaharap sa kasong Murder, Attempted Murder, Frustrated Murder sa iba’t ibang probinsiya gaya ng South Cotabato, Tacurong City sa Sultan Kudarat at sa lalawigan ng Sarangani.

Ang matagumpay na operasyon ay patunay na seryoso ang PNP SAF at ang ibang law enforcement agencies na matapos ang terorismo sa naturang rehiyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter