MMDA at PNOC, lumagda ng MOU para sa isang solar power system project

MMDA at PNOC, lumagda ng MOU para sa isang solar power system project

PUMIRMA ng Memorandum of Understanding (MOU) ang mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Oil Company (PNOC) para mag-install ng solar photovoltaic system sa dalawang pasilidad ng MMDA.

Layunin nito na makatipid sa konsumo ng kuryente at mas mapalakas ang paggamit ng renewable energy.

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, kasama sa memorandum of understanding (MOU) ang mga proyekto ng MMDA na magiging bahagi ng kanilang commitment sa pagpapalaganap ng sustainability.

Ang unang proyekto ay isang ground-mounted solar photovoltaic o PV system na ilalagay sa MMDA Carmona Development sa Cavite.

Ang ikalawang proyekto naman ay isang rooftop solar PV system sa MMDA Annex Building sa Pasig City, na bahagi ng inisyatibang “green building” ng MMDA.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble