NAKIPAGPULONG si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes sa mga kinatawan ng World Bank ngayong araw na pinangunahan ni Senior Environmental Economist Dr. Pawan Patil.
Sa nasabing pagtitipon, tinilakay at binigyang pansin ng mga opisyal ang mga problema sa solid waste management at kung paano ang tamang pamamahala sa mga urban waste.
Lubos naman ang pasasalamat ng MMDA sa support mission ng mga kinatawan ng World Bank sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project at iba pang flood control project ng ahensya.
Samantala, tiniyak ni Artes sa World Bank na magpapatuloy ang kanilang proyekto at mga programa para sa mas maayos na pamamahala ng mga basura nang maibsan ang mga malawakang pagbaha sa buong Metro Manila.