MMDA Chairman Abalos, pinangunahan ang clearing operations sa EDSA-Balintawak

MAAGANG tinungo ni MMDA Chair Benhur Abalos ang Balintawak Market sa  EDSA para pangunahan ang clearing operations sa lugar.

Sa kanyang inspection, wala naman siyang nakitaang problema liban na lamang sa mga basurang nagkalat at ilang mga bicycle na naka-park sa tabing-daanan.

Isa rin sa  tinitingnan na  problema sa Balintawak EDSA ay ang mabigat na daloy ng trapiko partikular na sa gabi hanggang sa madaling araw.

Aminado din si Abalos na nahihirapan siya bilang chairman ng MMDA para malutas ang problema sa trapiko sa naturang kalsada.

Sa ngayon isa sa mga tinututukan ngayon ng ahensiya ay masolusyanan na ang u-turn slot sa Balintawak na siyang sanhi ng mabigat na daloy ng trapiko.

Para kay Abalos malaking bagay ang pakikipagtulungan ng mga alkalde sa buong Kalakhang Maynila upang malutas ang mga suliranin lalo na sa usaping pang trapiko.

Pinapasalamatan din ng MMDA ang Quezon City government dahil sa P100-M na donasyon nito sa ahensiya para masolulusyunan ang u-turn slot sa Balintawak EDSA.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.