MMDA, gagawing ecobags at ecobricks ang mga campaign materials

MMDA, gagawing ecobags at ecobricks ang mga campaign materials

IRE-RECYCLE ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga campaign materials na ginamit ng mga kandidato para maging ecobags at ecobricks.

Ayon kay MMDA Chairperson Romando Artes, nakipag-ugnayan sa ahensya ang Ecowaste Coalition para gumawa ng ecobags mula sa mga campaign materials.

Dagdag pa ni Artes, nakikipag-pulong na ang mga tauhan ng MMDA sa Ecowaste Coalition para magawang ecobags ang makakapal at magagandang tarpaulins.

Bukod pa rito, sinabi ni Artes na puede ring gawing ingredients ng hollow blocks at ecobricks ang mga ito.

Samantala, gagamitin ang mga hollow blocks at ecobricks sa mga pocket parks na ginagawa sa Metro Manila.

Follow SMNI NEWS in Twitter

 

Follow SMNI NEWS in Twitter