MMDA Gen. Manager Jojo Garcia, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa isang pahayag kinumpirma ito mismo ni Garcia at sinabing sa bahay muna siya pansamantalang magtatrabaho.

“I wish to inform everyone that I will have to work from home as I have been found positive for COVID-19.”

Ani Garcia, tinatanggap niya ang kaniyang sitwasyon at naniniwalang malalampasan ito sa tulong ng Diyos.

“My work puts me under a lot of risk, and this is part of it. I embrace this challenge with full trust and faith in God that I will overcome the same with your prayers,” saad ni Garcia.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.