MMDA, inilunsad ang bagong NCAP online system

MMDA, inilunsad ang bagong NCAP online system

INILUNSAD ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nito lang Lunes, Hunyo 16 ang bagong bersyon ng kanilang web-based platform na tinatawag na “May Huli Ka 2.0”.

Layon nitong gawing mas ligtas, mabilis, at maginhawa para sa mga may-ari ng sasakyan ang pag-check ng kanilang traffic violations sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, ang bagong platform ay nangangailangan na ngayon ng plate o conduction sticker number at motor vehicle file number para masiguro ang privacy at seguridad ng impormasyon.

Dati, sapat na ang plate number para makita ang violations, na naging sanhi ng pag-aalala sa data privacy.

Makikita rin sa website ang mga hakbang kung paano aayusin ang violation, proseso ng pagbabayad, saan pwedeng bayaran ang multa, at paano mag-contest o umapela.

Plano rin ng MMDA na idagdag sa hinaharap ang mga sumusunod na features:

  • Makikita ang detalye ng paglabag gaya ng larawan, video, petsa, oras, uri, multa, at bayaran
  • Makatatanggap ng real-time SMS at email alerts sa bagong paglabag
  • Maaaring pagsamahin sa isang account ang lahat ng sasakyan ng user
  • Maaaring isumite online ang apela at makita ang iskedyul ng pagdinig
  • May online payment option para sa mas mabilis na bayad

Ang NCAP ay patuloy na ginagamit ng MMDA bilang paraan ng traffic enforcement gamit ang CCTV at iba pang digital tools para matukoy ang mga lumalabag sa batas-trapiko nang hindi na kailangang humarap pa sa mga traffic enforcer.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble