ININSPEKSYON nang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang trash traps sa ilang mga ilog at estero sa Quezon City at Mandaluyong.
Tiniyak ng MMDA na handa na ang mga bagong trash trap o mga drainage net na inilagay sa ilang mga ilog at estero sa Quezon City at Mandaluyong, upang maprotektahan ang mga pumping stations mula sa pagkasira.
Pinangunahan ni MMDA Chairman Benhur Abalos sa pag-inspeksyon ang mga bagong installed na trash traps o drainage net sa ilang creek sa Quezon City at Mandaluyong upang masiguro na gumagana ang mga ito para hindi bumara ang mga basura sa mga pangunahing pumping station.
Inilatag ang mga bagong trash traps o drainage net sa lagarian at arayat creek sa Quezon City at buhangin creek sa Mandaluyong City para mapigilan ang pagdaloy ng mga basura sa pumping stations at maiwasan ang pagkasira nito.
Ayon kay Chairman Abalos na sa pamamagitan nito, araw-araw na makokolekta ang mga basura na dumadaloy sa ilog mula sa mga nakapalibot na mga kabahayan sa mga lungsod ng Quezon at Mandaluyong.
Dagdag ni Abalos ang mga bagong install na trash trap ay makatutulong din para mabawasan ang epekto ng pagbaha sa National Capital Region.
Dagdag ni Abalos na nasa dalawang truck load na mga basura ang maaaring makokolekta kada araw dahil sa mga bagong trash trap.
Ang mga makokolektang basura ay dadalhin sa brick-making facility ng MMDA upang gawing bricks, hollow blocks, concrete barriers at compost materials.