IPINAALALA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pamamagitan ng isang resolusyon na ipinagbabawal ang paglalangoy, paglalaro, at iba pang aktibidad na hindi naman kinakailangan tuwing may baha.
Ayon sa MMDA, batay na rin sa ulat ng Department of Health (DOH), maaaring makukuha ang leptospirosis sa mga kontaminadong tubig-baha kung may sugat sa balat ang isang tao o kaya’y direktang nakalunok ng bakterya mula sa tubig o pagkain.
Ang Metro Manila Council ay mayroon na ring resolusyon na nanghihikayat sa mga LGU sa Metro Manila na magkaroon na ng ordinansa hinggil dito.
Sa San Juan City nga ay pagmumultahin ang sinumang lalabag sa panuntunan nila laban sa paglalangoy o paglalaro sa tubig-baha.